Embahada ng Pilipinas, kinumpirmang walang Pinoy casualty sa Tokyo car attack

Kinumpirma ng Philippine Embassy na walang Pilipino na nasugatan sa pananagasa ng isang kotse sa gitna ng pagdiriwang ng Bagong Taon sa Tokyo, Japan.

Sa impormasyon ng embahada, siyam ang sugatan sa insidente.

Isang 21 taong gulang na lalaki ang nagmaneho ng kotse na iniragasa sa kumpulan ng mga tao sa Harajuku District.


Agad namang naaresto ang suspek at iniimbestigahan na insidente na hinihinalang terorismo.

Sa tala ng Department of Foreign Affairs (DFA), may 280,000 Pilipino sa buong Japan kung saan 33,000 ay nakatira sa Tokyo metropolitan area.

Facebook Comments