EMOSYONAL | Luis Manzano, naiyak sa birthday greetings sa kanya ni ate V

189

Manila, Philippines – Hindi naiwasan ng actor-host na si Luis Manzano na maging emosyonal sa birthday message sa kanya ng mommy niyang si Vilma Santos.

Sa sunday episode ng TV game show na “I Can See Your Voice”, na-surprise si Luis matapos na lumabas sa stage si Ate V bilang kanyang special guest.


Pero mas naging espesyal ang kanyang birthday nang batiin siya ng mga dating contestant na personal niyang natulungan.

Matapos panoorin ang video, naiyak rin si ate V habang sinasabi kung gaano siya ka-proud kay Lucky.

Say ng star for all seasons, isang mabuting halimbawa si Luis ng totoong malasakit sa kapwa at sana raw ay huwag itong magbabago.

Ehemplo rin aniya ang actor/host sa mga anak na hindi ginawang hadlang ang pagkakaroon ng broken family para magtagumpay sa buhay.



Facebook Comments