Empleyado ng Bureau of Internal Revenue, arestado sa kasong estafa

64

Zamboanga Del Sur – Arestado sa kasong estafa ang isang babae na empleyado ng Bureau of Internal Revenue (BIR) matapos maharang sa ikinasang checkpoint sa Barangay Militar, Tukuran, Zamboanga Del Sur.

Kinilala ng Tukuran Philippine National Police ang akusado na si Estela Marie Navarez Calib, 38 anyos, nakatira sa Barangay Tiguma sa lungsod ng Pagadian.

Naaresto sa isang checkpoint si Calib nang makatanggap ng impormasyon ang otoridad na may pinaghahanap ng batas ang dadaan sa lugar.

Naharang ng kapulisan ang eco-sport na sasakyan na papuntang Lanao Del Norte kung saan sakay si Calib.

Six counts na kasong estafa ang kinakaharap ng suspek na inilabas ni Judge Romeo Discallar ng RTC 9, branch 19, Pagadian City.

Nasa kustodiya ng Tukuran PNP ang suspek.

Facebook Comments