Empleyado ng Kilalang Cakeshop sa Cauayan City, Nabudol-Budol Gang

687

*Cauayan City, Isabela- *Nabiktima ng budol-budol Gang ang isang empleyado ng kilalang CakeShop sa Lungsod ng Cauayan matapos tangayin ang napagbentahan at personal nitong ATM na may lamang pera.

Nakilala ang biktima na si Dionicio Antalan, nasa tamaang edad at residente sa Bayan ng Cabatuan, Isabela.


Batay sa naging salaysay ng biktima, kinuwentuhan umano siya ng isang babae tungkol sa gadget at nagpakilalang kakilala din siya ng mismong katrabaho ng biktima hanggang sa maibigay nito ang laman ng kaha na 9,500 habang naibigay din niya ang ATM at kanyang PIN Number na may lamang per ana nagkakahalaga ng 6,500.

Maituturing naman na iisang grupo ang nasa likod ng budol-budol matapos maging biktima ang isang 68 anyos na ginang sa Bayan ng Solano, Nueva Vizcaya

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng otoridad ang kinaroroonan ng suspek na hinihinalang may kasabwat ito matapos Makita sa CCTV camera ng kalapit na establisyiemento.

Facebook Comments