Empleyado ng Office of the Ombudsman, kritikal matapos barilin sa QC

Kritikal ang isang empleyado ng Ombudsman matapos holdapin at barilin sa Quezon City.

Kinilala ni QC Police District Station 11 Lt. Col. Richard Ang, ang biktima na si Diane Paguirigan na empleyado ng Office of the Ombudsman.

Nangyari ang pamamaril sa kanto ng Quezon Avenue at Cordillera Avenue Brgy. Dona Josefa, Quezon City.


Batay sa nakuhang CCTV footage ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa lugar, makikita ang biktima na nakatayo sa tapat ng isang bangko nang biglang sumulpot ang lalaking nakasuot ng helmet at saka biglang hinoldap kung saan inagaw ang bag nito at binaril ang biktima.

Agad na tumakas sakay ng motorsiklo ang suspek sa direksyon ng Quezon City Memorial Circle (QCMC).

Kasalukuyang inoobserbahan ang lagay ng biktima sa Capitol Medical Hospital.

Facebook Comments