EMPLEYADO PATAY MATAPOS PAGBABARILIN NG KANIYANG SARILING AMO

Patay ang caretaker ng poultry farm sa Barangay Zaragoza Bolinao Pangasinan matapos itong pagbabarilin ng kaniyang amo.

Sa inisyal na imbestigasyon ng PNP Bolinao, nagsagawa umano ng inventory ang may-ari ng poultry na kinilalang si Daniel Rillera, sa mga sako ng feeds sa stock room at napansin nitong kulang kung kaya’t tinawag niya ang caretaker at biktimang si Dennis Opolinto, 22 anyos.

Dito na nagsimulang magpaputok ang suspek laban sa biktima. Nagtamo ng tama ng baril sa kaliwang bahagi ng dibdib at kilay ang biktima dahilan ng kaniyang pagkamatay. Matinding galit umano ang nakikitang dahilan ng insidente. Ikinasa na ng awtoridad ang manhunt operation para sa mabilisang pagkakadakip laban sa suspek.


Facebook Comments