Employees ng Cotabato City LGU natanggap na ang kanilang Midyear Bonus at ERA

20

Naibigay na sa mga kawani ng Local Government Unit ng Cotabato City ang kani kanilang mga MidYear Bonuses na katumbas ng kanilang isang buwang sweldo, ito ang masayang ipinarating sa DXMY ni City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi.

Bukod sa Bonus, nairelease na rin aniya ang Economic Relief Assistance kasabay ng buwan ng Ramadan, P 5000 para sa mga permanent employees habang P 2500 naman sa mga contract of service.

Taon- taon na aniya itong ibinibigay sa mga empleyado tuwing ramadam simula sa panunungkulan ng Guiani Administration dagdag ni Mayor Cyn.

Inilatag na rin ang mga aktibidad ngayon buwan ng pag-aayuno sa syudad kabilang na ang Quran Reading . May trade fair rin aniya na maaring tunguhin ng mga residente lalo na sa gabi.

Kaugnay nito, nilinaw ni Mayor Cyn na magpapatuloy ang ipinapatupad na Discipline Hour sa syudad na naglalayung maisiguro pa rin ang kaligtasan ng lahat.
GOOGLE PIC

Facebook Comments