Employment ordinance para sa mga Senior Citizen at PWD’s sa Binalonan, Pangasinan, Inaprubahan

63

Inaprubahan ng Sangguniang Bayan ang ordinansa na naglalayon na mabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho ang mga kuwalipikadong Senior Citizen at Person with Disabilities (PWD’s) sa mga commercial building at business establishment sa Binalonan.
Sa ilalim ng naaprubahang ordinansa sa Munisipyo, ang mga senior citizen at mga taong may kapansanan ay maaaring magtrabaho ngunit hindi limitado sa Educational institutions, mga cleaners, cashiers, dispatchers at marami pang iba.
Ang mga commercial o negosyo na magtatakwil sa pagtatrabaho ng mga senior citizen at PWD’s na kwalipikado sa posisyon ay maaaring patawan ng parusa sa paunang opensaay bibigyan muna ang mga ito ng babala,pangalawang opensa ay may multang 500 piso at ang ikatlong opensa ay mayroong 1, 500 na piso.

Facebook Comments

From Advertisers