Empoy Marquez, wala daw planong magparetoke

40

Manila, Philippines – Walang balak si Empoy Marquez na sumailalim sa cosmetic surgery.

Ito ang naging reaksyon ng 36-anyos na komedyante sa usaping pagpaparetoke ni Marlou Arizala na kilala ngayon bilang si Xander Ford.

Ayon kay Empoy, kuntento na ito sa kaniyang pagmumukha at nagpapasalamat na lamang siya kung ano ang bigay sa kaniya ng may-kapal.

Dagdag pa nito na ni minsan daw ay hindi pumasok sa kaniyang isip ang magparetoke lalo na’t usong-uso daw ito ngayon na ginagawa ng mga artista.

Hindi na din daw kailangan ni Empoy na magpagwapo dahil sa kaniyang itsura ay nakilala siya at sumikat hindi lamang sa telebisyon maging sa pelikula.

Facebook Comments