Engagement ni Luis at Jessy sa Japan, itinanggi ng aktor

Itinanggi ni Luis Manzano ang kumalat ang usapin ukol sa enggagement di umano nila ng kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola nang magbakasyon sila sa Japan noong nakaraang Holy Week.

Ayon kay Luis – walang naganap na enggament sa Japan, sila’y nagpunta lamang doon upang magbakasyon.

May mga bagay pa silang kailangan pag-handaan ni Jessy bago pumunta sa usaping kasalan.


Kung sakali mang makasal sila ni Jessy, batid ni Luis na lubos na magiging masaya ang kanyang inang si Congresswoman Vilma Santos-Recto, sapagkat sabik na sabik na itong magka-apo.
Nation

Facebook Comments