ENGKWENTRO | 2 pinaniniwalang bomb courier, napatay ng militar sa North Cotabato

63

North Cotabato – Patay ang dalawang suspected bomb courier matapos makipagbarilan sa mga otoridad sa Barangay Sangat, bayan ng M’lang North Cotabato.

Sa ulat, nagpapatrolya ang tropa ng 7th Infantry Battalion nang mapansin ang dalawan lalaking sakay ng motorsiklo.

Agad nilang pinara ang mga lalaki pero hindi sila huminto at mabilis na tumakas papalayo.

Hinabol ito ng mga sundalo pero pinaputukan sila kaya gumanti sila ng putok kung saan dito na napatay ang dalawang lalaki na may dalang paper bag.

Nang suriin ang paper bag, tumambad ang bala ng 60-mm mortar, cellphone at mga wire habang nakuha rin ang isang kalibre .45 na baril.

Facebook Comments