ENGKWENTRO | 2 sundalo, patay, 3 sugatan sa sagupaan sa Isabela

55

Isabela – Patay ang dalawang sundalo habang sugatan ang tatlo pa matapos na makaengkwentro ang 15 miyembro ng new peoples army sa Sitio Diarao Baba, Dicamay 2, Jones, Isabela kaninang madalin araw.

Ayon kay Capt Jefferson Somera alas-4:47 ng madaling araw kanina habang nagsasagawa ng combat patrol operation ang tropa ng 502nd Infantry Brigade ng Philippine Army sa Sitio Diarao Baba ay nakasalubong at nakasagupa nila ang nsa labing limang miyembro ng NPA.

Dahil dito nasawi ang dalawang sundalo at pagkasugat ng tatlo pa na ngayon patuloy na ginagamot sa esther garcia cauayan public hospital.

Hindi pa rin pinangalan ang mga nasawi at sugatang sundalo dahil hindi pa ito naipapaalam sa kanilang pamilya.

Hindi naman matukoy ng militar kung ilan ang nasawi o sugatan sa panig ng mga nakalabang NPA.

Facebook Comments