ENGKWENTRO | 5 holdaper patay; 2 arestado sa operasyon ng PNP sa Nasugbu Batangas

620

Nasugbu Batangas – Patay ang limang holdaper habang arestado ang dalawa pa matapos na manlaban ang mga ito sa mga pulis nang isilbi ang warrant of arrest lanan sa kanila at ipatupad ang search warrant sa Palakulan, Wawa, Nasugbu, Batangas kaninang maga- alas-6:00 ng umaga.

Sa ulat ng Batangas Police Provincial Office sa pamamagitan ng search warrant sinalakay ng mga pulis ang bahay ng tatlong suspek na nagresulta sa engkwentro.

Kinilala ang mga nasawing holdaper na sina Rudy Francisco alyas kambal, Roland Francisco na may warrant of arrest dahil sa kasong pagnanakaw, Rico Francisco alyas Nono, Arian Hernandez at isang alyas Scoth Pacia.

Habang arestado naman ang dalawang alyas Eva at Eric.

Ang mga suspek ay miyembro ng Francisco Robbery hold up crime group na nago-operate sa Batangas na sangkot rin sa iligal na droga.

Narekober sa pinangyarihan ng sagupaan ang isang kalibre 45 baril, dalawang 38 revolver, isang magnum 22 revolver at isang hand grenade.

Facebook Comments