ENGKWENTRO | Anim, sugatan sa bakbakan sa pagitan ng mga pulis at gun for hire group

631

Negros Occidental – Sugatan ang katao sa nangyaring bakbakan sa pagitan ng mga pulis at gun for hire group sa Cauayan, Negros Occidental.

Sa ulat, isisilbi sana ng mga pulis ang search warrant sa mga miyembro ng Galendez group sa Sitio Matab-Ang, Barangay Masaling, Cauayan kung saan target nito sina Rodel Taquiso at Salem Teodulo.

Nang matunugan ng mga suspek ang mga pulis, nagpaputok ang mga ito kaya at nauwi sa bakbakan ang insidente na nagresulta sa pagkasugat ng magkabilang panig.

Kabilang sa mga sugatan ang mga miyembro ng provincial mobile force na sina PO3 Reynaldo Bodien na tinamaan sa kanyang bibig, at PO3 Rolando Prieto na napuruhan sa paa.

Sugatan din ang apat na kasama ng mga nadakip na sina Taquiso at Teodulo.

Facebook Comments