ENGKWENTRO | Isa patay sa buy-bust operation sa Bocaue, Bulacan

Bulacan – Isa ang patay habang isa ang arestado matapos mauwi sa engkwentro ang ikinasang buy-bust operation sa Barangay Batia, Bocaue, Bulacan.

Nakilala ang napatay na si Ranilio Padilla alyas “Putol” na kabilang sa drug watchlist ng PNP habang huli rin ang umano ay live-in partner niya.

Ayon kay Bulacan Provincial Director Superintendent Chito Bersaluna, agad silang nagkasa ng operasyon matapos makatanggap ng impormasyon tungkol kay Padilla.


Nakatunog umano ang suspek at pinaputukan ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ni Padilla.

Narekober naman kay Padilla ng walong sachet ng hinihinalang shabu, isang caliber-38 at mga basyo ng 9mm na baril.

Facebook Comments