ENGKWENTRO | Isang miyembro ng rebeldeng grupo, patay sa Eastern Samar

33

Eastern Samar – Hindi pa rin matukoy ng mga sundalo ang pagkakakilanlan ng isang miyembro ng rebeldeng grupo na kanilang natapay sa nangyaring sagupaan sa Barangay San Roque, Maslog, Eastern Samar.

Ayon kay Lieutenant Colonel Emmanuel Gadon, commander ng 14th infantry battalion, nasalubong ng nagpapatrolyang mga sundalo ang aabot sa 15 miyembro ng bandidong grupo na nagresulta sa engkwentro.

Umabot sa kalahating oras ang palitan ng putok ng magkabilang kampo hanggang sa napalitang umaatras ang mga rebelde.

Dito na nakita ang bangkay ng isa sa mga miyembro ng mga rebelde na kanilang iniwan habang tumatakas.

Facebook Comments