ENGKWENTRO | Isang notorious na tulak ng droga sa QC, patay

24

Quezon City – Patay ang isang hinihinalang tulak ng iligal na droga makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa ikinasang drug buy-bust operation sa Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Superintendent Rossel Cejas, hepe ng Novaliches Police Station, nagpaputok ng baril ang 36-anyos na suspek na si Cesar Arive, alyas Lupin nang aarestuhin na siya ng mga pulis.

Dito na gumanti ng putok ang mga otoridad na nagresulta sa pagkamatay ng suspect.

Narekober sa crime scene ang isang kalibre 38 na baril at sling bag.

Nabatid na sangkot din sa ibang krimen ang suspek, tulad ng pagnanakaw.

Facebook Comments