ENGKWENTRO | ISANG NPA PATAY; APAT ARESTADO

146

Laguna – Patay ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) habang apat na iba pa ang arestado sa Barangay. Dambo, Pangil, Laguna.

Kinilala ang nasawi na si Ismael Criste, mula sa bayan ng Mulanay, Quezon, at itinuturong lider ng Rebolusyunaryong Buwis para sa Kaaway na Uri (RBKU).

Arestado naman sina Shirley Martinez, Luis Alano, Felicidad Villegas, at Cristy Lacuarta, mga miyembro ng Cesar Batrallo Command na nakabase sa Laguna.

Sa ulat, nakatanggap ng intelligence report ang pulisya na may target na dalawang pulis mula sa Santa Cruz at Alaminos ang mga rebelde.

Naka-engkuwentro ng pulisya ang mga rebelde sa checkpoint habang sakay ng isang kotse na may plakang TSX 372.

Pero sa halip na sumuko, lumaban si Criste kaya’t napatay ito habang kaagad namang sumuko ang mga kasamahan nito.

Facebook Comments