ENGKWENTRO | Lalaki, patay matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Baseco Compound sa Maynila.

Sa ulat, biglang nag-u-turn ang hindi pa nakikilalang lalaki habang sakay ng kaniyang motorsiklo bago pa man makalapit sa checkpoint na inilatag ng Manila Police District (MPD) Station 5.

Dahil sa kahina-hinalang kilos, hinabol ito ng mga pulis pero imbes na huminto, pinagbabaril nito ang mga otoridad kung saan nauwi sa palitan ng putok ang insidente kaya at napatay ito.


Tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang agad na ikinamatay ng suspek habang tinamaan din ng bala sa balikat si PO1 Gerardo Celestiano.

Patuloy na inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng napatay na lalaki at kung anong grupo ito nabibilang.

Facebook Comments