ENGKWENTRO | Militar at BIFF, muling nagsagupaan sa Maguindanao

Maguindanao – Muling sumuiklab ang bakbakan sa pagitan ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at militar sa Maguindanao.

Sa ulat, nagsagawa ng clearing operations ang 601st infantry brigade ng Philippine Army sa Datu Saudi Ampatuan matapos makatanggap ng ulat na nasa lugar ang ilang kasapi ng BIFF.

Nasugatan sa engkwentro ang dalawang sundalo pero nasa mabuti na itong kalagayan.


Nadiskubre naman ng militar ang pagawaan ng armas ng grupong Jamaatul Muhahireen Wal Ansal na pinamumunuan ni dating BIFF Leader Abu Torayfie sa Datu Salibo.

Tinataya naman naapektuhan ng bakbakan ang nasa 405 pamilya.

Facebook Comments