ENGLISH PREMIER LEAGUE | Brazilian football player, kumita ng 184,000 pound sterling o mahigit 13 million pesos sa unang anim na minuto ng laro

17

English Premier League* – *Kung susuwertihin ka nga naman!

Ganito ang nangari sa Brazilian football player na si Roberto Firmino ng Liverpool sa English Premier League matapos manalo ang Reds, 2-0 kontra Southampton.

Hindi naman kalakihan ang basic pay ni Firmino pero dahil sa kakaibang bonus scheme at magandang laro nito…kumita siya agad ng 184,000 British pounds o halos 13.2 million pesos.

Kada-goal kasi ni Firmino ay may katumbas na bonus. At habang dumadami ito pataas din ng pataas ang extra-pay nito.

Pati ang mga pasa nito ay may bonus na nagsisimula mula 31,000 pounds.

Sa laro kontra Southampton, umiskor ng goal at assist si Firmino kaya niya nakuha ang tumataginting na mga bonus.

Facebook Comments