
Handang harapin ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ang mga umaatake sa kanya dahil sa kaniyang pagkwestyon sa ginawalang rally ng Iglesia ni Cristo para pigilan ang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Enrile, sa harap ng mga personal na pag-atake at pagbabato sa kanya ng sisi, pagkakamali, at pagtutol, handa siyang makipagdebate at diskusyon dahil may sarili siyang paniniwala sa katotohanan tulad ng iba, ngunit wala umano sa kanila ang may monopolyo sa katotohanan.
Iginiit din ni Enrile na dapat hayaan na lamang ang mga boboto na magpasiya kung sino ang tama at sino ang mali.
Nilinaw naman ni Enrile na wala siyang kinakatawang anumang partisan group sa bansa.
Nanindigan din ito na “political pressure” ang layunin ng isinagawang rally para pigilan ang isang bukod at independyenteng sangay ng gobyerno sa pagganap sa tungkulin nito sa Saligang Batas.
Nilinaw ni Enrile na hindi siya kalaban ng INC at batid niya na ang lahat ng Pilipino, relihiyoso man o hindi, ay may karapatan sa mapayapang pagtitipon upang himukin ang gobyerno na itama ang mga pagkakamali o “redress of grievances.”