Enrollment period, hindi na palalawigin; Pagkonsidera sa distance learning bilang “trial and error”, hindi katanggap-tanggap ayon sa DepEd

Hindi na palalawigin ng Department of Education (DepEd) ang enrollment period.

Sa harap ito ng mga panawagang i-extend hanggang July 15 ang enrollment.

Bukas, June 30, ang deadline ng enrollment para sa school year 2020-2021.


Sa interview ng RMN Manila kay Deped Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, inaasahan nilang maghahabol ngayong araw hanggang bukas ang mga estudyanteng hindi pa nakakapaglista.

Mariin namang itinanggi ng opisyal na “trial and error” ang pagpapatupad ng distance or online learning.

Katwiran ni San Antonio, noon pa man ay may ganito nang opsyon sa mga eskwelahan at napatunayang epektibo itong paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral.

Facebook Comments