Cimatu, binantaang kakasuhan ng mga Enviromental groups

196

Sinilbihan ng iba’t ibang maka-Kalikasang grupo ng notice to sue si Environment Secretary Roy Cimatu.

Binigyan ng isang buwan ng nagsama-sama Ang Ecowaste Coalition, Burn Philippines at Oceana Philippines para bantaan ang DENR na kakasuhan dahil sa kabiguang ipatupad ang Clean Air Act.


Ipinababawi ng mga naturang environmental groups ang environmental groups ang inilabas na kautusan ng DENR na bumabangga sa mga batas kontra-incineration.

Ayon kay Attty. Aaron Pedroza, legal counsel ng grupo, nagpabaya si Cimatu sa dapat ay responsibilidad niyang tiyakin may ligtas at malusog na kapaligiran ang sambayanan.

Facebook Comments