EPD, patuloy na nakamonitor sa pagsisumla ng Semana Santa sa mga lugar na kanilang nasasakupan.

28

Patuloy na nakamonitor ngayon ang Eastern Police District sa pagsisimula ng paggunita ng Semana Santa.

Nakakalat sa iba’t-ibang simbahan sa Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan City ang mga tauhan ng EPD para masiguro ang seguridad at kapayapaan ngayong linggo ng palaspas


Bukod dito, naka-deploy din ang iba sa kanila sa mga malls at iba pang pasyalan na siguradong pupuntahan ng publiko matapos magtungo sa simbahan.

Nag-iikot din ang ilan personnel ng EPD sa bawat sulok ng syudad na kanilang nasasakupan para maiwasan ang anumang krimen.

Nanawagan naman Eastern Police sa Publiko na agad na isumbong sa mga itinalagang police assistance desk ang makikitang mga kahina-hinalang bagay o kakaibang kilos ng ilang indibidwal.

Facebook Comments

From Advertisers