Epekto ng economic reform agenda ng Duterte administration, ilalahad mamaya

Manila, Philippines – Halos dalawang buwan na lamang bago matapos ang taon ay ilalahad na ni DBM Secretary Benjamin Diokno ang mga positibong bunga ng Economic Reforms Agenda ng Duterte Administration.

Sa gaganapin “Breakfast with Ben” mamaya ilalahad ni Department of Budget and Management Secretary Diokno sa publiko ang mga kasalukuyang balita na may kinalaman sa budget, economic reforms and government policies kung saan tatalakayin ang mga sumusunod Third Quarter ng Gross Domestic Products Performance for 2017, Salary Standardization Law, Government Disbursement, latest updates on the 2018 National Budget at iba pang mga usapin na may kinalaman sa ekonomiya ng bansa.

Una rito ibinida ni Secretary Diokno ang paglago ng ekonomiya ng bansa dahil sa mga patakaran at pagbabago na ipinatutupad ng Duterte Administration.


Inaasahan naman irereport din ng kalihin ang pondong ginastos sa ibat ibang proyekto at programa ng Pamahalaan sa mga nakalipas na buwan.

Facebook Comments