Eroplanong nawala noong biyernes, natagpuan na

Natagpuan na ang eroplanong napaulat na nawala sa Mindoro noong biyernes.

 

Ayon kay Eric Apolonio, tagapagsalita ng Civil Aviation Authority Of The Philippines o CAAP, nakita ang Beechcraft Baron 55 (BE55) na isang trainer aircraft sa karagatang sakop ng Mindoro.

 

Sa report, isang bag ang unang nakitang lumutang na pag-aari ng pilotong si Captain Jose Yabardon at ilang bahagi ng naturang eroplano.


 

Hindi pa naman matagpuan ang kasama nitong estudyante na isang Saudi Arabia national.

 

Nagtungo na din sa insidente ang CAAP aircraft accident investigation at inquiry board para magsagawa ng imbestigasyon.

 

Matatandaan na nag-take-off ang trainer aircraft noong biyernes ng umaga sa San Jose Airport pero bigla na lamang itong nawala kung saan nagtulong-tulong ang Air Force, Philippine Navy, Philippine Coast Guard at King Air Private Jet sa paghahanap.

Facebook Comments