Eroplanong sinakyan ni FPRRD patungong The Netherlands, hindi pag-aari ni Rep. Zaldy Co

Mariing itinanggi ng tanggapan ni Ako Bicol Party-list Representative Elizadly Co na hindi pag-aari nito ang jet plane na may tail number RP-C5219 na ginamit sa pagdadala kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa The Netherlands.

Ayon sa tanggapan ni Representative Co, hindi totoo ang lumabas sa mga social media post na pag-aari nito ang nabanggit na RP-C5219 GULF STREAM G550.

Bunsod nito ay umapela ang tanggapan ni Congressman Co sa publiko at media na iberepika at alamin muna sa proper authorities kung totoo o hindi ang mga impormasyong natatanggap.


Panawagan ng kampo ni Co sa lahat na maging responsable sa pagbabahagi ng impormasyon para maiwasan ang pagpapakalat ng mali o hindi totoong mga detalye.

Facebook Comments