Eroplanong sinakyan ni US Vice President Kamala Harris papuntang Guatemala, nagkaproblema

410

Ligtas na nakarating sa Guatemala si US Vice President Kamala Harris matapos na makaranas ng technical problem ang kaniyang sinasakyang eroplano.

Ayon sa kaniyang tagapagsalita na si Symone Sanders, napansing may kakaibang ingay ang sinasakyang eroplano ni Harris kaya’t napilitan silang bumalik sa Joint Base Andrews sa Maryland.


Nakatakdang magbigay ng mensahe si Harris sa mga rehiyon na naapektuhan ng COVID-19 pandemic sa Guatamela at Mexico ngayong linggo.

Ito rin ang kauna-unahang international trip ng bise presidente ng Amerika.

Facebook Comments