Erwin Tulfo welcome pa rin sa Camp Crame kahit idineklarang person non grata ng PMA Alumni

2865

Kahit na idineklarang persona non grata ng Philippine Military Academy Alumni ang broadcaster na si Erwin Tulfo matapos ang pambabastos  kay DSWD Sec. Rolando Bautista, ay  welcome pa rin ito sa Camp Crame.

 

Ayon kay PNP spokesman Police Col. Bernard Banac, pahihintulutan nilang makipag transaksyon sa kampo si Erwin Tulfo lalot kailangan nitong ma renew ang kanyang expired na License to Own and Possess Firearms o LTOPF.


 

hinihintay pa rin nila ang mga baril ni Tulfo para sa safekeeping. At kung patuloy anya itong magmamatigas ay saka na nila gagawin ang Oplan Katok.

 

Unang nang inihayag ng PMA Alumni Association Inc na hindi na na bibigyan ng importansya ang presensya ni Erwin Tulfo sa lahat ng aktibidad ng kanilang asosasyon maging aktibidad ng mga Chapter members at Affiliate Organizations nito, matapos na ideklara nilang persona non grata.

Facebook Comments

From Advertisers