Espenido, handa umano kung ipatatapon sa Pagadian City

382

Pagadian City, Philippines – Walang problema kay Chief Insp. Jovit Espenido hepe ng Ozamis Police, kung maalis siya bilang hepe ng pulisya sa nasabing lungsod.

Ito ay matapos sampahan ng reklamo ng pamilya ng siyam na mga nasawi sa nangyaring engkuwentro sa Balinbtawak, Ozamis noong Hunyo 1, kung saan ang mga nasawi ay diumano’y miyembro ng isang sindikatong grupo.

Sa interview ng RMN Pagadian kay Espenido, sinabi nitong bukas siya saan ilalagay at walang problema kung ipatatapon sa lungsod ng Pagadian.


Aniya, ipasasa-diyos na lamang niya ang hinaharap na reklamo dahil ang panginoon naman daw aniya ang nagbigay sa kanya ng trabaho.

Facebook Comments