Espesyal na pagpupulong ng Cabinete Members kasama ang pangulo, kinansela ni Pangulong Rodrigo Duterte

318

Hindi na matutuloy ang espesyal na pagpupulong bukas ng mga miyembro ng Gabinete matapos kanselahin ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, napagdesisyunan ito isang oras bago nag-abiso ang mga kalihim tungkol sa pagpupulong.


Nakatakdang pag-usapan ng pangulo at kaniyang gabinete ang  hinggil sa salpukan ng dalawang barkong pangisda ng Tsina at Pilipinas sa West Philippine Sea, noong Hunyo 9.

Iniwan ang 22 Filipinong mangingisda na palutang-lutang sa karagatan at kinalaunan ay na-rescue sila ng isang Vietnamese fishing vessel.

Sa ngayon, nakauwi na ang mga Filipino mangingisda sa Occidental Mindoro noong Biyernes.

Matatandaang nagsampa na ng Diplomatic Protest ang Pilipinas hinggil sa nasabing insidente.

Facebook Comments

From Advertisers