Estudyante, arestado sa buy bust operation

74

Pagadian, Philippines – Isang estudyante ang naaresto sa isinagawang
buy-bust operation ng mga otoridad sa Barangay Balangasan, lungsod ng
Pagadian.

Nagpanggap na buyer ang isang pulis mula sa suspek na si Michael Balansag,
at saka ito dinakip sa labas mismo ng kanilang paaralan.

Nakuha mula sa posisyon ng 23 anyos na suspek ang isang pakete ng
hinihinalang shabu at P300 na buy bust money.

Kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang
kakaharapin ng college student.

Facebook Comments