Estudyante at isang lalaki nahulihan ng marijuana sa Bayambang Pangasinan

Arestado ang isang college student at isa pang lalaki sa pinagsanib na pwersa ng PNP Bayambang at PDEA Region drug buy bust operation sa Barangay Tambac Bayambang Pangasinan. Kinilala ng awtoridad ang mga suspek na si Jefferson Villanda, 20 anyos, college student at si Glenn Magalong, 23 anyos at isang helper.

Kumpiskado sa kanila ang 13 na sachet ng pinatuyong buto at dahon ng marijuana, marked money, at cellphone. Inaaalam na ng awtoridad kung sino ang mga ka transaksyon ng suspek sa pamamagitan ng cellphone na nakuha sa kanilang kustodiya.

Kasalukuyang nasa detention cell ng PNP Bayambang ang mga suspek at haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act.


Facebook Comments