ESTUDYANTE, NASAWI MATAPOS TUMILAPON SA MOTORSIKLO

Nasawi ang isang mag-aaral na angkas ng motorsiklo matapos maaksidente sa Brgy. Calepaan, Asingan, Pangasinan.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, bumulusok ang motorsiklo sa kurbadang bahagi ng kalsada, dahilan upang tumilapon ang dalawang sakay nito.

Sugatan sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang driver at menor de edad na angkas.

Agad na dinala ang dalawa sa pagamutan, ngunit idineklarang dead on arrival ang nasabing estudyante.

Nasa kustodiya na ng barangay council ang napinsalang motorsiklo para sa tamang disposisyon.

Facebook Comments