Estudyante, patay; 3 katao, sugatan sa banggaan ng dalawang motorsiklo sa Echague, Isabela

34

Echague, Isabela – Patay ang isang estudyante habang tatlo ang sugatan makaraang magbanggaan ang dalawang motorsiklong kanilang sinasakyan sa Libertad, Echague, Isabela.

Kinilala ang biktimang si Joey Batwing, 16-anyos.

Batay sa imbestigasyon, mabilis ang motorsiklong minamaneho ni Zairus Fernandez, 18 anyos, kasama ang angkas nito na si Zairel Fernandez, 16 anyos, nang mabangga ang papalabas sa kanto na motorsiklong minamaneho ng biktima kasama ang angkas nito na si John Jay Nicolas.

Lumalabas na nagpa-load lamang ang mga biktima at pinaharurot palabas sa highway ang motorsiklo.

Nagpapagaling pa rin sa pagamutan ang iba pang sugatan sa insidente.
DZXL558

Facebook Comments