Sabay sa bitbit na higit sa apat na raang (400) piraso ng chicken pastil na araw araw na naibebenta ng estudyanteng si Sherwin Ballesteros, ay ang inspirasyon na hatid din nito bilang isang first year college student sa kursong Bachelor of Secondary Education major in Social Studies sa Urdaneta City University (UCU).
Nagsimula si Sherwin na magbenta noong siya’y Grade 10 pa lamang at nagsilbi na ito bilang pangunahing pinagkukunan niya ng pantustos sa pag-aaral.
Sa simpleng pagsubok, unti-unti niyang nakita ang potensyal ng kanyang produkto.
Sa halagang ₱25.00 hanggang ₱35.00 lamang niya binibenta ang bawat isang sukat ng chicken pastil na swak sa bulsa ng kapwa niya estudyante.
Sa pagbubukas muli ng klase ngayong taon, bitbit ni Sherwin ang panibagong pag asa na meron itong pagkukunan ng pang araw araw na pantustos sa kanyang pag aaral at makatulong rin sa kanyang mga magulang.
Si Sherwin ay inspirasyon ng kasipagan, diskarte, at determinasyon. Sa kabila ng mga hamon sa buhay, pinatunayan niyang walang hadlang sa taong may pangarap at pagnanais na makapagtapos sa pag aaral. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣