Ethel Booba, hindi natakot at mas lalo pa niyang hinamon ang mga nagbanta na ire-report ang twitter account nito

Hindi natakot ang comedienne-singer na si Ethel Booba at mas lalo pa niyang hinamon ang mga nagbanta na ire-report ang twitter account nito.

Ito’y matapos magtweet si Ethel ng “kung stress kayo, may tinda akong lubid, mura lang” kung saan marami ang nagalit.

Dinagdag niya sa kaniyang tweet na bahala na raw ang bibili ng lubid kung saan gagamitin, puwede naman daw pang-duyan para relax lang at tanggal stress.


Ayon sa mga netizen, hindi magandang biro ang sinabi ng komedyante na tila hinihikayat pa niya ang mga tao na magpakamatay.

Say ni Ethel, masyadong nakakainip at nakakaantok naman daw ang tagal ng pag-report sa account niya.

Aniya, tutulungan pa daw niya kung sino ang may gustong ipatanggal ang kanyang twitter account.

Ayon pa sa komedyante, ang kaniyang mga tweet ay para sa mga taong walang magawang maganda kundi ang mangbash ng kapwa nila.

Sa huli, sinabi ni Ethel na i-unfollow na siya ng mga may ayaw sa kaniya para wala na raw na nabubulok na naka-follow sa kaniya.

Facebook Comments