EU, handang magbigay ng recovery assistance sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly

56

Bukas ang European Union (EU) na tumulong sa recovery effort ng Pilipinas para sa mga nasalanta ng Bagyong Rolly.

Sa Twitter post, sinabi ng EU Delegation na ang Civil Protection and Humanitarian Aid ay handang umalalay sa relief operations at magbigay ng ayuda sa mga komunidad na lubos na tinamaan ng bagyo.


Anila, ang katatagan, tibay at tapang ng mga Pilipino ang mananaig sa mga panahong ito.

Kumpiyansa ang EU na makakabangon ang Pilipinas mula sa bagong kalamidad.

Facebook Comments