EUL para sa AstraZeneca, welcome sa FDA

31

Welcome development para sa Food and Drug Administration (FDA) ang pagbibigay ng World Health Organization (WHO) ng Emergency Use Listing (EUL) para sa COVID-19 vaccine na AstraZeneca.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, dahil may EUL na ang AstraZeneca ay pwede nang magpadala ang COVAX Facility ng supply nito sa Pilipinas.


Ang COVAX Facility ay magbibigay ng 117,000 doses ng Pfizer-BioNTech vaccine at 9 million doses ng AstraZeneca vaccine sa Pilipinas.

Facebook Comments