Eumir Marcial, tinalo si Arman Darchinyan via KO; Olympic medal, tiyak na!

175

Nadagdagan pa ang medalyang maiuuwi ng Pilipinas mula sa 2020 Tokyo Olympics.

Ito ay makaraang patumbahin ni Filipino boxer Eumir Marcial si Arman Darchinyan ng Armenia sa quarterfinal round ng men’s middleweight division na ginanap sa Kokugikan Arena ngayong araw.


Dahil dito, tiyak na ang bronze medal ni Marcial sa Summer Games.

Sunod niyang makakaharap si Oleksandr Khyzhniak ng Ukraine sa semis sa Huwebes, August 5.

Una nang nakapagbulsa ng gintong medalya para sa Pilipinas si Pinay weightlifter Hidilyn Diaz habang sa Martes, August 3, sasabak sa gold medal match si Nesthy Petecio sa women’s featherweight.

Facebook Comments