Evacuation, ipinag-utos na dahil sa banta ng hurricane "Maria" sa Caribbean Islands

62

World – Nagpatupad na ng evacuation ang pamahalan ng Puerto Rico at British Virgin Islands sa mga residente dahil sa banta ng ‘hurricane Maria’.

Inaasahan kasing tatama ang category 4 hurricane sa US territory ng Puerto Rico at Virgin Islands sa Miyerkules ng umaga.


Malaki rin ang posibilidad ng storm surge kaya’t maging ang mga residnete sa baybaying lugar ay pinapayuhan nang lumikas pansamantala sa ligtas na lugar.

Huling tinamaan ng category 4 hurricane ang Puerto Rico noon pang 1928.

Facebook Comments

From Advertisers