Evacution centers sa Pasig, ininspeksyon dahil sa patuloy na sama ng panahon

46

Personal na binisita ni Pasig City Mayor Vico Sotto at Pasig City Chief of Police, P/COL Roman Arugay ang Barangay Santa Lucia evacuation center at Ilaya Covered Court sa Evangelista avenue Brgy. Santolan Pasig City.

Ito ay upang alamin ang sitwasyon ng mga residente ng Pasig na pansamantala lumikas sa kanilang mga bahay dahil sa pagbaha dulot ng walang tigil na pag ulan.


Sa huling ulat ng Pasig PNP, aabot sa 38 pamilya o 169 indbidwal ang nasa mga evacuation centers sa Pasig na ngayon ay patuloy na nakakatangap ng ayuda.

Sa ngayon ay patuloy ang pagtulong ng Pasig PNP sa lokal na pamahalaang ng Pasig para matukoy ang mga residenteng apektado ng sama ng panahon.

Facebook Comments