Eviction order para sa mga miyembro ng Kadamay na umokupa sa pabahay ng gobyerno sa Bulacan, inilabas na

18

Manila, Philippines – Isinilbi na ang eviction notice para sa mga miyembro ng Kadamay na sapilitang umukopa sa ilang pabahay ng pamahalaan sa Pandi, Bulacan.

 

Kinumpirma mismo ito ni senior Insp. Mark Bernardo, Deputy Chief of Police ng Pandi, Bulacan PNP.

 

Patuloy aniya ang negosasyon sa pagitan ng National Housing Authority at Kadamay sa Pandi residences 2 at 3 sa Barangay Mapulang Lupa.

 

Pumasok na rin ang social workers mula sa Department of Social Welfare and Development sa Pandi residences 2 dahil nagkakasakit na ang ilang mga bata.

 

Una nang sinabi ng mga lider ng Kadamay na matagal nang napapabayaan ng pamahalaan ang problema para sa pabahay lalo na sa mga urban poor.

Facebook Comments