Ex-Cong. Glenn Chong at asawa ng napaslang na si Richard Santillan, dumulog sa DOJ

1007

Manila, Philippines – Pormal nang dumulog sa DOJ si dating Cong. Glenn Chong at ang maybahay ng napaslang na bodyguard nito na si Richard Santillan.

Ayon kay Chong, hiniling nila sa DOJ na atasan ang National Bureau of Investigation na magsagwa ng ‘parallel investigation’ sa krimen.

Aniya, Hindi sila kuntento sa ginagawang imbestigasyon ng PNP.

Kinumpirma rin ni Chong na naghain sila ng panibagong demand letter para kay General Edward Carranza.

Naniniwala aniya kasi sila na may basbas ni Carranza ang naturang operasyon na nauwi sa murder at torture kay Santillan.

Tiniyak naman ni Justice Undersecretary Adrian Sugay na makikipag ugnaygan sila kay NBI Director Dante Gierran para sa naturang kahilingan ni Chong at Ginang Santillan.

Una nang kinumpirma ng Forensic Team ng Public Attorney’s Office na dinukot at tinorture muna ng mga pulis si Santillan bago ito pinatay at pinalabas na shootout ang nangyari.

Facebook Comments