EXCELLENT | Trust rating ni Pangulong Duterte, nanatiling mataas base sa latest survey ng SWS

2261

Manila, Philippines – Nakakuha ng mataas na net trust rating si Pangulong Rodrigo Duterte batay sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations.

Nakapagtala ng “excellent” o positive 75 na trust rating ang pangulo na mas mataas sa positive 60 rating nito noong Setyembre 2017.

Lumabas rin na 83 percent ng mga respondents ang nagsabing nagtitiwala sila kay Duterte habang seven percent ang kakaunti lang ang tiwala at 10 percent ang undecided.

Isinagawa ang survey mula Disyembre 8 hanggang 16, 2017 sa 1,200 adults respondent.

Facebook Comments