EXCITED NA! | Bruno Mars – inaabangan na ng kanyang mga Pinoy fans

27

Manila, Philippines – Excited na ang mga pinoy fans sa pagdating sa bansa ng American singer-songwriter na si Bruno Mars.

Para ito sa 2-night concert niya sa Mall Of Asia Arena ngayong araw at bukas, May 4.

Manggagaling pa sa Bangkok, Thailand si Bruno Mars na katatapos lang din sa kanyang 2-night concert doon na bahagi ng kanyang “24K Magic” tour.

March 2014 nang huling mag-perform sa bansa ang multiple Grammy award winner sa kanyang “The Moonshine Jungle” tour.

Facebook Comments