EXCITED | Sharon Cuneta, suportado ang anak na si KC Concepcion sa bago nitong love life

Manila, Philippines – Excited ngayon ang Mega Star na si Sharon Cuneta dahil sa blooming daw ang love life ng kaniyang anak na si KC Concepcion.

Ito ay kaugnay sa instagram post ni KC kung saan ibinahagi ng dalaga ang kuha ng Ecuadorian red roses na natanggap niya mula sa kanyang mystery flower sender.

Nasorpresa si KC nang madatnan ang red roses sa loob ng kanyang hotel room sa Los Angeles, California, kung saan kasalukuyan siyang nagbabakasyon.


Say naman ni ate Shawie na 100 percent niyang sinusuportahan si KC sa pakikipagrelasyon nito sa isang non-showbiz, foreigner guy.

Kasabay nito, inamin din ng Megastar na lahat ng ipinapakilalang boyfriend ni KC ay napamahal sa kanya kaya’t ayaw niya na makitang nalulungkot ang anak nang dahil lamang sa pakikipagrelasyon nito.

Nabatid naman na kilala at aprubado raw ng buong pamilya ni Sharon ang boyfriends ngayon ni KC.

Facebook Comments