Executive clemency kay Pemberton, ikinadismaya ni VP Robredo

46

Dismayado rin si Vice President Leni Robredo sa ibinigay ni Pang. Rodrigo Duterte na executive clemency kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton.

Ayon kay VP Robredo, maraming tao ang nakakulong na mas magaan ang sala ngunit hindi napapansin o nabibigyan ng kaparehong prebilehiyo dahil sa walang pambayad sa abogado kaya tinitiis na lamang ang pagkakapiit habang usad pagong ang kanilang mga kaso.

Ang pagbibigay ng executive clemency kay Pemberton ay isa lamang umanong patunay na may pagkiling ang pamahalaan sa mga mayayaman.

Facebook Comments