Executive Order na magbabago sa pangalan ng Benham Rise, pirmado na ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order no. 25 na pormal na magpapalit sa pangalan ng Benham Rise tungo sa Philippine Rise.

Nakasaad sa nasabing EO na simula ngayon, ang Benham Rise na kilala sa local at international maps at charts ay tatawagin nang Philippine Rise.

Matatandaang una nang sinabi ni Pangulong Duterte na plano niyang palitan ang pangalan ng Benham Rise.


Ito ay matapos mapabalita na may mga Chinese vessel na naglalayag doon.

Nabatid na alinsunod sa determinasyon ng Commission on the Limits of the Continental Shelf ng United National Convention on the Law of the Sea, ang Benham Rise ay bahagi ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.

Ang Benham Rise ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Luzon na may lawak na 13 milyong ektarya at hitik sa likas na yaman.
DZXL558

Facebook Comments